Gutom na di mapawi
GUTOM NA DI-MAPAWI
Gutom? Ito ay nararanasan dahil sa KAHIRAPAN sa bansa. Isang problemang di ma wala-wala.
Dahil sa matinding kahirapan,ito ay nararanasan sa mga musmos nating mga kabataan.
Ang lahat ng ito ay na ugat sa KAHIRAPAN=ito ay isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.
Kahit ang pagkakamali ay di pa natin aminin ito ay kitang-kita naman sa sitwaston ng ating bansa. Tayo ay nagagalit sa mga politikong puro lang pangako ngunit walang nagagawa pero sila ba talaga ang dapat sisihin? Di ba tayo ang bumoto sa kanila dahil sa mga perang naibibigay nila dahil sa CORAPSTION na kanilang ginagawa? Tayo lang ang nag papahirap sa ating mga sarili. Puro lang tayo sa sisi,wala naman tayong ginagawa na tama. Tayo pa mismo ang nag papalala nito dahil sa ating kawalang kibo sa katotohanan.
Ang katotohanan sa ating lipunan. Gutom na palaging nararanasan dahil sa matinding kahirapan. Ka awa-awang kabataan na ang pinag kukunang pang laman ng tyan ang mga basurang tinapon na sa lansangan. Gutom na nararanasan ng mga kabataang ngayun ang matinde pero bakit ngaba napakaraming kabataang na gugutom sa panahon ngayon? Tayo ay nag tataka kung bakit ito nagyayari ngunit di natin naisip na mayron ring mga kabataang maaga na buntis at tumigil sa pag-aaral dahil dito. Kung ating iisipin ng mabuti dibat napakarami ng ganito? Maagang nabuntis at tumigil sa pag-aaral,di natin na isip na saan sila kukuha ng pang tus-tos ng kanilang pangagailangan kung wala silang tamang trabaho dahil narin sa kawalan ng edukaston.
Mananatili lang ba tayo sa ganitong sitwaston? Kahit ako mismo ay napapagod na rin sa katitingin sa pabalik-balik ng pangyayari sa ating bansa, kawalan ng edukasyon, walang tabaho, maagang pag-bubuntis, pag ka rami-raming anak na tutostusan, at laganap na korapsyon ng mga politiko na tayo mismo ang nag luklok sa tungkulan.
Ganito na lang ba tayong mga Pilipino? Mananatili na lang ba tayo sa ating mahirap na pamumuhay? Kailangan tayong mag simulang kumayod para sa ating pamilya, para sa kinagukasan nila, at sa hinaharap ng ating minamahal na bansa.
Sana ay naintindihan nyo ang ibig kong sabihin naway umunlad ang mga Pilipino kasama na ang ating minamahal na bansang PILIPINAS.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento